Sa totoo lang... wala naman talaga ako maisip isulat ngayon kaya eto ako nakatunganga't nagiisip kung ng ano ano tungkol sa buhay, sosyalismo, mga kaibigan ko at ano ang nasa pagitan ng puto't dinuguan.
Bakit ba sinasabi nilang bagay ang puto't dinuguan?
wag mo sakin itanong dahil ako nga hindi ko alam. Sa totoo lang hindi ko pa nasubukang kumain ng puto kasabay ang dinuguan at sa tuwing nakikita ko ang mga kapamilya't mga kaibigan ko na kumakain nun hindi ko alam kung maasiwa ako, mandidiri, matutuwa, hihingi, titikim o ano pa man...
Naisip ko lang... ano ba meron sa puto kaya bagay ito sa dinuguan o ano meron ang dinuguan kaya itoy nababagay sa puto? bakit hindi nalang puto at tinola? o kaya puto at chicken curry... pero wag naman sana sa chicken curry... paborito ko un e at lalong di ko maisip na kumakain ng chicken curry habang may ngata ngata kang puto...
Ang puto't dinuguan ay pwedeng ihalintulad sa mga relasyon ng mga tao... bakit kamo? Pwes basahin mo...
Ang puto at dinuguan ay pwede mo ihalintulad sa pagkakaibigan. Maaring magkaiba nga ang puto at dinuguan pero swak sila sa isat isa. Solb na solb ka (pero hindi ako) pag kinain mo na sya. Parang sa pagkakaibigan. Hindi man tayo magkapareho sa maraming bagay pero swak naman tayo sa isat isa.
Pwede mo rin ihalintulad ito sa pagmamahalan ng dalawang tao pero parang ang sagwa naman isipin na puto't dinuguan ang napili nyong simbolo ng inyong pagibig. Yung ibang tao sarap na sarap sila sa pagkain ng puto't dinuguan tulad nalang nalang ng mga taong nagmamahal na sarap na sarap sa isat isa... o, ano nanaman ang iniisip mo... hindi iyon ang tinutukoy ko! Ang dumi naman ng isip mo! kasing itim ng dinuguan.
Sa pangliligaw. Oo, sa pangliligaw. Isipin mo nalang... may mga tao na gusto ang puto't dinuguan at meron naman hindi. Parang ligawan lang yan. Pag nangligaw ka may mga taong gugustuhin ka at meron namang hindi. Wag mo nga lang gagamitin ang katagang "gusto kita tulad ng pagkagusto ko sa puto't dinuguan" at tyak na mabilis pa sa alas kwatro na basted ang aabutin mo.
At kung merong mga taong gusto ang puto at dinuguan, meron din namang mga tao na ayaw nito. Parang ikaw at ako. May mga taong gusto ka at meron namang hindi. Hindi natin sila mapipilit kung ayaw nila sa akin tulad ng di nyo ako mapipilit kung ayaw ko man ng puto't dinuguan.
So ikaw? gusto mo ba ako tulad ng puto't dinuguan o hindi???
No comments:
Post a Comment