Pages



Saturday, May 26, 2007

Champoy

Nakakatuwa na sa bawat pangalan ng mga pinoy ay may nakakabit na isa pang salita na kadalasan ay matatawa ka nalamang kung saan nanggaling iyon kung sinong gunggong ang nakaisip na ikabit sa pangalan ng taong pobre ang isang salitang habang buhay na nya dadalhin.

Hindi mo ako maintindihan? ako din, di ko maintindihan kung ano bang pinagsasabi ko dito. May naalala lang kasi ako. May classmate ako nung elementary na ang pangalan ay Dennis (walang last name... bawal!). Naalala ko lang kasi ang tawag sa kanya ng mga classmate ko non e champoy. Di ko na maalala kung bakit. Itatanong ko pa kay sandra kung bakit naging champoy ung tawag kay dennis...

Bakit si Dennis naalala ko? Nag- reunion kasi kami ng mga classmate ko nung elementary. Syempre may bidahan at lokohan. Pero ang isang topic na tumatak sa isip ko ay ung mga pangalang ibinabansag ng mga kaibigan sa isat isa.

Maski ngayon may mga tao akong kakilala na hanggang ngayon ay hindi parin nakakawala sa mga bansag sa kanila. Habang buhay na nila dadalhin ito at kung minsan pa ay naipapasa nila sa kasunod na henerasyon... Halat basahin mo to at tingnan ko nalang kung di ka matawa.

Dennis Champoy - dahil daw mahilig sa champoy
Jeff luga - hindi po ako ito... classmate ko din nung elementary
Marvin ULO - di ko alam kung anong ulo ang malaki/maliit
Paa - may kapitbahay kami dati na paa ang tawag dahil malaki ang paa
Tenga - kapitbay din namin na nakalimutan ko ang ngalan pero naalala ko parin ang pingas nyang tenga.
Marlon Mukha - asawa ng insan ko...
Jonel Basura - nagkatuwaan lang at natawag na basura ng utol ko si jonel.
Ricky basura - amoy basura daw...
Ricky putol - sya din si ricky basura... nagmagaling magpaputok ng labintador kaya lagas ang daliri
Kabog - asawa ng insan ko...
Boy dollar - si alvin na pamangkin ko - anak ni kabog
Kabugay - pamangkin ko din, kapatid ni boy dollar, anak ni kabog
Landong Putik - bagay daw kasi sa pangalan nya...


sya sya... i uupdate ko nalamang ito pag naalala ko pa ung ibang mga kakaibang pangalan...

hindi naman sa pinagtatawanan ko sila... pero sadyang nakatutuwa ang mga ngalan nila...
Post a Comment